^

Bansa

$10-M hinging ransom sa 3 ICRC workers

- Danilo Garcia -

Humihingi ng $5-10 milyong ransom ang mga bandidong Abu Sayyaf kapalit ng pagpapalaya sa tatlong miyembro ng International Committee of the Red Cross (ICRC).

Kinumpirma ni Khaled Musa, tagapagsalita ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), ang panghi­hingi ng naturang ransom ng mga kidnaper kung saan sa website ng MILF, mistulang pinupuwersa ng rebeldeng grupo ang pamahalaan na magbayad na ng ransom dahil wala naman umanong ibang alternatibo para mapalaya sina Swiss Andreas Notter, Italyanong Eugenio Vagni at Pilipinong si Jean Lacaba.

“The government is in a bind: It wants to unleash its military to run after the kidnappers but at the same it does not want to put the victims’ life at jeopardy; it strictly maintains ‘no ransom policy’ but knows also that the kidnappers want nothing except money. The bottom line of every kidnapping is money. Rarely kidnapping is done on purely political reason,” ayon sa pahayag ni Musa sa arti­ kulo sa kanilang website.

Una nang nag-alok ng tulong ang MILF para ma­ki­pagnegosasyon at ma­pa­laya ang mga biktima ngunit tinanggihan ito ng Armed Forces of the Phi­lippines.

Kasabay nito, hinamon naman ng military ang MILF na tulungan sila sa pag-aresto sa kanilang mga “lawless” kumander at mga miyembro na posib­leng sangkot din sa naga­ganap na pagdukot sa Mindanao.

Ginawa rin ang pagha­mon matapos na salakayin na naman ng MILF ang Brgy. Pugaan, Iligan City nitong nakaraang Biyernes kung saan pinaulanan ang mga alagang hayop ng mga residente dito. Sina­lakay rin ng MILF sa pamu­muno ng isang alyas Jab­bar ang Brgy. Malim­bato, Tagoloan, Lanao del Norte.

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHI

BRGY

ILIGAN CITY

INTERNATIONAL COMMITTEE OF THE RED CROSS

ITALYANONG EUGENIO VAGNI

JEAN LACABA

KHALED MUSA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with