^

Bansa

Dahil daw sa out-of-line operations ng illegal operators: P.5M kada araw nawawala sa kita ng bus industry

-

Umaabot sa halos ka­la­­hating milyong piso ang na­wawala sa kita ng mga legi­timate bus opera­tors dahil sa out-of line opera­tions ng ibang tiwaling bus company.

Ito ang mariing sinabi ni Elena Ong, spokes­ person ng San Jose Del Monte Bu­la­can Bus Ope­rators Group (SJBBOG) kaugnay ng out-of-line operations na ginagawa umano ng Jay­ross Lucky 7 bus com­pany na pagma­may-ari ng isang Jose­phine Sanchez.

Sa reklamo ng grupo ni Ong na kinabibilangan ng 18 legitimate bus operators ng SJBBOG, masyado nang tinik sa kanilang la­lamunan ang operasyon ng Jayross dahil sa kabila na ang franchise nito ay Baclaran-Fairview at vice versa ay pumapasok ito sa ruta ng kanilang prangkisa sa Bulacan area puntang Metro Manila.

Anya, sa 75 bus ng Jay­ross Lucky 7, 20 lamang dito ang otorisado na pu­ma­­sada at may 55 bus na ang out-of-line.

Kinuwestyon din ni Ong kung bakit nakaka­daan ang mga bus ng Jay­ross Lucky 7 sa kahabaan ng Edsa gayung kapag ang isang operasyon ng bus ay may problema, dapat ay hindi ito inootori­sahan na dumaan ng Edsa.

Ang bagay na ito, ayon kay Ong ay ilalapit na nila sa bagong LTFRB Chair­man Alberto Suansing sa paniwalang baka sa pamu­nuan nito ay ma­ak­siyo­nan ang kanilang prob­lema. (Angie dela Cruz)

ALBERTO SUANSING

ANGIE

BUS

BUS OPE

EDSA

ELENA ONG

METRO MANILA

ONG

SAN JOSE DEL MONTE BU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with