^

Bansa

Kaso vs Lozada hiling bilisan

-

Iginiit ng grupong Ba­bae Ka na madaliin at pa­bilisan ng Ombudsman ang pag-usad sa kasong na­ isampa nila laban kay ZTE deal witness Jun Lozada.

Sa isang press conference sa Quezon City, sinabi ni Ruth Vazquez, presi­dente ng Babae Ka, isang non-governmental organization, na sumulat na rin sila kay Justice Secretary Raul Gonzalez na humihi­­ling sa Kalihim na mag­palabas ng hold-departure order (HDO) laban kay Lozada upang huwag itong makaalis ng bansa at tuloy mapag­dusahan ang gina­wang panloloko sa taum­bayan.

Si Lozada ay kinasu­han ng naturang grupo sa tanggapan ng Ombudsman noong Marso 2008 ng kasong paglustay umano sa P15 Milyon pondo ng Philippine Forest Corporation (PFC) para pondohan ang life insurance nito, unliquidated cash advances, overprice contracts sa mga kumpanyang pag aari mismo ni Lozada, magarbo at maaksayang paggamit ng pasilidad ng gobyerno, paglabag sa Civil Service Laws at ang ilegal na pag-award ng lupain sa kan­yang mga kaanak. (Angie dela Cruz)

ANGIE

BABAE KA

CIVIL SERVICE LAWS

JUN LOZADA

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

LOZADA

PHILIPPINE FOREST CORPORATION

QUEZON CITY

RUTH VAZQUEZ

SHY

SI LOZADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with