P50 milyong imported fabrics nasabat
Nakumpiska ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ang may P50 milyong halaga ng pinaniniwalaang smuggled fabrics sa Orani, Bataan.
Ayon kay PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr., ang nakumpiskang kargamento ay naka-consign sa Evengs General Merchandise sa 104 Highway, New Cabalan, Olongapo City.
Sinabi ni Usec. Villar, nakatanggap ng intelligence report ang PASG-Task Force Subic na may dala wang 10-wheeler truck na may kargang misdeclared goods ang umalis sa Subic Bay Freeport at dumaan sa Tipo gate.
Inabangan ng mga PASG operatives ang nasabing trucks sa Tipo gate at sinundan ang mga ito patungong Bgy. Doña, Orani.
Sinabihan naman ng cargo owner na si Neil Perez ang mga taga-PASG na didiretso sila sa Taguig City sa halip na Bataan hanggang sa aprubahan naman ito ng PASG hanggang sa biglang dumiresto ang kargamento sa Orani din.
Nang makarating sa Orani ay natuklasan ng PASG ng buksan ang kargamento sa harap ni Perez at barangay official na si Mariano Allam Jr. na naglalaman ito ng 1,029 imported flat bundles at rolls ng fabrics gayung ang deklarasyon na laman nito ay scrap na karton, plastic at kahoy kung saan ang binayaran lamang na duties at taxes ay P12,209. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending