Jalosjos dapat malaya na - Bureau of Corrections
Nais ng Bureau of Corrections (BUCOR) na pala yain na si dating Zamboanga del Norte Rep. Romeo Jalosjos dahil nabuno na nito ang ipinataw na sentensiyang dalawang habambuhay na pagkabilanggo.
Ito ay matapos na irekomenda ni BUCOR Director Oscar Calderon kay Justice Secretary Raul Gonzalez na palayain na si Jalosjos dahil sapat na ang ibinigay na serbisyo sa kulungan bukod pa sa nabigyan ng commutation ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kung kaya’t bumaba pa sa 16-taon, tatlong buwan at tatlong araw ang sentensiya nito noong June 13,2007.
Aniya, bumuno na ng 5 taon si Jalosjos sa loob pa lang ng Makati City Jail at noong Dec 14, 2008 ay bumuno uli ng anim na taon, 10-buwan at 10–araw sa loob naman ng New Bilibid Prison (NBP) na kung susumahin ay pasok na umano sa itinakdang sentensiya sa kanya dagdag pa ang mga puntos ng kanyang magandang pag-uugali sa loob ng kulungan.
Una ng lumabas si Jalosjos ng kulungan ngunit muling inaresto ng batikusin ng ilang grupo ang pagpapalaya dito. Si Jalosjos ay una nang sinampahan ng kasong statutory rape at nasentensiyahan ng korte noong 1996. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending