DOJ prosecutors hinamong pabuksan ang bank accounts

Hinamon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Dionisio Santiago Jr. ang mga prosecutors na huma­wak ng kaso ng Alabang Boys na pumirma ng waiver upang malayang mabuk­san ng Anti-Money Laundering Council ang kanilang mga bank accounts upang mapatunayan na walang “bribery” na naganap.

Ito’y kasabay naman ng pangako ni Santiago na handa siya at maging si PDEA Special Enforcement Service chief, Major Ferdi­nand Marcelino na magbi­gay din ng waiver upang mabuksan ang kanilang mga accounts para patuna­yan na hindi rin sila nasuhu­lan sa naturang kaso.

Iginiit ni Santiago na hindi sapat ang pagsasabi lang na handa silang i-waive ang kanilang karapa­tan sa kanilang accounts ngunit dapat na pumirma sila sa “black and white” para mabigyan ng otorisas­yon ang AMLC. Wala uma­nong magiging problema kung wala talaga silang itinatago.

Ayon kay Santiago, ito ang pinakamabisang ebi­densya na maipapakita ng mga prosecutors para malinis ang kanilang pa­nga­lan sa isyu ng suhulan. (Danilo Garcia)

Show comments