Kababaihan, mahihirap prayoridad
Apat na pangunahing hakbangin para mapalakas ang mga programa at polisiya ng gobyerno na nagbibigay proteksyon sa mga kababaihang manggagawa sa pribadong sektor at mga pamilyang kumikita ng arawan ang naaprubahan na ng House Committee on Labor and Employment na pinamumunuan ni Rep. Magtanggol T. Gunigundo I ng Ikalawang Distrito ng lungsod ng Valenzuela.
Ang House Bill No. 642 ay naglalayong mag-estabilisa ng ‘lactation stations’ sa trabaho bilang suporta sa mga working moms at HBs No 445 at 3465 na nagpapalakas na man sa probisyon ng Labor Code na poprotekta sa mga kababaihang mangga gawa laban sa diskriminasyon sa trabaho pagdating sa usapin ng sahod, benepisyo, assignments, dismissal at anumang polisiya sa retrenchment.
Inaprubahan rin ang HB 1131 na nagpapalakas sa programa sa edukasyon ng mga manggagawa sa pamamagitan ng mandatong libreng adult education, pagsama sa karapatan ng mga kababaihan, gender equality, benepisyo, duties at responsibilities.
Umaasa si Gunigundo na ang mga kababaihang manggagawa ay higit na magiging produktibong kasangga sa paglago ng ekonomiya. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending