Simula sa Pebrero 20 ng taong ito ay tataas ng mahigit dalawang piso kada cubic meter ang singil sa tubig.
Ayon sa report, hindi na kaya pang pigilan ng Manila Water Sewerage System ang mga concessionaires nito na magtaas ng singil na ang itinuturong dahilan ay ang inflation rate o paggalaw sa presyo ng mga bilihin at paghina ng piso.
Noong isang buwan ay nagawa pang mapigilan ng MWSS na magtaas ng singil sa basic charge para mabawasan ang bigat ng krisis.
Hindi naman kasama sa dagdag singil ang mga kostumer na kumokonsumo ng 10 cubic meters pababa.