^

Bansa

'Pag inalis sila Lantion at Suansing, LTFRB, LTO employees at transport welga!

-

Nagbanta ang mga empleyado ng Land Transportation Franchising Re­gulatory Board at ng Land Transportation Office, ga­yundin ang ibat ibang transport groups na sila ay magsasagawa ng pagkilos kung aalisin sa puwesto sina LTFRB Chairman Thompson Lantion at LTO Chief Alberto Suan­sing.

Ayon sa mga kawani na ayaw ipabanggit ang mga pangalan, gumagawa sila ng position paper na nag­sasaad ng kanilang pagka-disgusto sa pag-aalis sa puwesto sa nabanggit na mga opisyal para ibigay kay Pangulong Arroyo sa Ma­ lakanyang.

Sa panig ng transport na kinabibilangan ng samahan ng mga bus, taxi at jeep, nagbanta ang mga itong magsasagawa ng protesta at iba pang pag­kilos kung mababago pa ang mamu­muno sa LTFRB at LTO.

Anila, isang taon na lamang ay mawawala na rin sa puwesto ang dala­wang nabanggit na opis­yales matapos ang 2010 elections kaya marapat lamang na maipagpatuloy na lamang ng mga ito ang tungkulin upang hindi pag­hinalaan na isang “political gift” ang po­sibleng pag­punta ni ret Gen. Arturo Lomibao sa LTO.

Hanggang sa kasalu­kuyan ay nananatili sa kanilang mga puwesto ang dalawa dahil wala pa silang papel na nagsasabi ng kanilang paglipat sa ibang puwesto.

Unang napaulat na si Lo­mibao ang bagong LTO Chief, si Suansing ang bagong LTFRB chief at si Lantion ay magiging DOTC Undersecretary for Maritime Affairs. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ARTURO LOMIBAO

CHAIRMAN THOMPSON LANTION

CHIEF ALBERTO SUAN

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING RE

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MARITIME AFFAIRS

PANGULONG ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with