^

Bansa

DOJ prosecutors haharap na sa panel

-

Haharap na nga­yong umaga sa itinatag ng Independent body ang mga opisyal ng Department of Justice (DOJ) na umano’y sang­kot sa P50-million bri­bery ka­ugnay sa pag­ba­sura ng kasong droga ng Ala­bang boys.

Ayon kay State Pro­secutor John Resado, na­tanggap na nila ang subpoena mula sa pa­nel na nagsasabing ka­ila­ngan silang du­malo sa hearing ngayong alas-9 ng uma­ga ng Pebrero 5, 2009.

Bukod kay Resado, pinatawag din ng panel si Justice Undersecre­tary Ricardo Blancaflor, Chief State Prosecutor Joven­cito Zuno, Senior State Prosecutor Philip Kimpo at State Prosecutor Mi­sael Ladaga.

Naniniwala si Re­sado na mas mayroong kredi­bilidad ang independent body kaysa sa iba na nagsasagawa ng imbes­tigasyon kaugnay sa nasabing usapin.

Pinamumunuan ni retired Supreme Court (SC) Justice Carlina Grino-Aquino ang na­sabing panel at mi­yem­bro nito sina Sandigan­bayan Associate Justice Raoul Victo­rino at ang Dean ng San Beda Gra­duate School of Law na si Fr. Ranhilio Aquino.

Mayroon lamang 15-araw ang panel upang tapusin ang nasabing imbestigasyon. (Gemma Amargo-Garcia)

ASSOCIATE JUSTICE RAOUL VICTO

CHIEF STATE PROSECUTOR JOVEN

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEMMA AMARGO-GARCIA

JOHN RESADO

JUSTICE CARLINA GRINO-AQUINO

JUSTICE UNDERSECRE

RANHILIO AQUINO

RICARDO BLANCAFLOR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with