^

Bansa

Palamig na ng palamig - Pagasa

-

Inaasahan na palamig ng palamig ang panahon laluna sa madaling araw sa Metro Manila ngayong buwan ng Pebrero.

Ayon sa Philippine Athmospheric Geophysical and Astronomical Services (PagAsa), ang pina­kamalamig na simoy ng hangin ay naramdaman kahapon ng Martes ng umaga ganap na alas 5:35 nang bumaba ang tem­peratura sa 19 degrees celsius kaya marami sa mga taga-Metro Manila ang muling nagsipag-suot ng jacket at pajama dahil dito.

Sinabi ni Nonoy About ng weather bureau ng Pag Asa, patuloy pang lalamig ang simoy ng hangin sa mga darating na araw o sa buong bu­wan ng Pebrero habang patuloy ang epek­to ng northeast monsoon o hangin na galing mula sa snow capped Siberian Mountain papasok ng Pilipinas.

“It will get colder in early days of February, temperature is expected to dip at 18 degrees Celsius, at least in Metro Manila, in the mornings,” pahayag ni About.

Nananatili namang malamig sa Baguio na ang temperatura ay 15 degrees Celsius.

Gayunman, ang Visa­yas at Mindanao ay hindi makakaramdam ng mala­mig na panahon dahil sa epekto dito ng cold front.

Sa kabuuan anya, ma­aliwalas ang panahon sa buong Luzon at wa­lang ina­asahang bagyo na tatama sa bansa.

Ang araw ay sisikat ganap na 6:24 ng umaga, lulubog bandang 5:56 ng hapon. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

AYON

CRUZ

METRO MANILA

NONOY ABOUT

PAG ASA

PEBRERO

PHILIPPINE ATHMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES

SHY

SIBERIAN MOUNTAIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with