Sariling panukala inisnab ni Lapid

Inisnab kahapon ni Sen. Lito Lapid ang hearing ng sarili niyang panu­kalang batas na dininig ng Senate committee on rules kaugnay sa pagga­mit ng wikang Filipino sa mga opisyal na usapan sa Senado.

Hindi dumating si La­pid sa nasabing hearing upang ipagtanggol ang kanyang panukala na naglalayong isantabi ang wikang English sa mga opisyal na dokumento at isalin sa Filipino maging ang rules ng Senado.

Kahit wala si Lapid, agad naman kinatigan ng rules committee ang panu­kala at inaprobahan ni Sen. Juan Miguel Zu­biri.

Kilala si Lapid na pa­laging umiiwas sa media na bagaman at palagi itong pagpapa-check ng attendance bago magsi­mula ang sesyon ay agad ding nawawala at hindi sumasali sa talakayan sa plenaryo.

Kilala rin si Lapid na ma­hinang umintindi ng wikang Ingles at kung minsan ay nagbibitbit ng interpreter sa sesyon ng Senado.

Nag-aalala naman si Sen. Mar Roxas na mag­mistulang ‘balagtasan’ ang talakayan sa Senado kung masyadong mala­lalim na Tagalog ang ga­gawin. (Malou Escudero)

Show comments