^

Bansa

First Gentleman idiniin ng Japanese contractor

- Ni Malou Escudero -

Isa umanong kontra­tistang Hapones ang tu­mestigo sa World Bank at idiniin si First Gentleman Mike Arroyo sa umano’y pagmamanipula ng mga subasta o bid rigging sa mga proyektong tinutustu­san ng WB.

Ganito inilarawan ng naturang kontratista na hindi pinangalanan, ang kanyang pakikipagpulong kay Arroyo kasama ang isang dating Senador sa harap ng mga imbestiga­dor ng WB na nagsisiyasat sa umano’y sabwatan ng mga kontratista at opisyal ng gobyerno para maka­kuha ng mga multi-milyong kontrata.

Nakalagay ang nasa­bing pahayag ng Japanese contractor sa report ng Integrity Vice President (INT) na isinumite sa World Bank na ibinalita naman ng ABS-CBN Newsbreak.

Ayon sa salaysay ng Japanese contractor, ni­linaw sa kanya na maha­laga ang paglalaan ng bribe money sa pagnene­gosyo sa Pilipinas at dito’y nakikinabang ang mga opisyal ng gobyerno mula sa Presidente, mga namu­muno sa departamento at iba pang pulitiko.

Hindi naman ikinagulat ni Sen. Panfilo “Ping” Lac­son ang direktang pagka­kasabit ni FG at isang dating senador sa WB report kaugnay sa nangyayaring suhulan sa bidding ng mga road projects sa bansa.

Pero aminado si Lac­son na hangga’t hindi ini­lalabas sa publiko ang report o dokumento kaugnay sa suhulan ay mananatili pa rin spekulasyon ang lahat.

“I also heard about it. But in the absence of that report ordocument na nagsasabi noon, it remains speculation,” sabi ni Lac­son.

Matatandaan na napa­ulat na sumabog sa hag­danan sa pagitan ng 7th at 8th floor ng LTA Building na pagmamay-ari ni Atty. Mike noong 2003 ang nasa P70 milyon cash na pinanini­walaang ‘padulas’ sa P1.4 bilyong road project sa Edsa.

Isa sa mga contractor na na-blacklist ng WB ang E.C. De Luna Construction na pag-aari ni Eduardo de Luna at ang Cavite Ideal Construction at Pancho Construction.

vuukle comment

AYON

CAVITE IDEAL CONSTRUCTION

DE LUNA CONSTRUCTION

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

INTEGRITY VICE PRESIDENT

ISA

PANCHO CONSTRUCTION

SHY

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with