Hiniling kahapon sa Korte Suprema ng isang dating abogado ni dating Pangulong Joseph Estrada na si Atty. Allan Paguia na tanggalin na ang parusang indefinite suspension na ipinataw nito sa kanya.
Idinaing ni Paguia na hindi niya magampanan ang kanyang gawain bilang abogado dahil sa naturang suspension.
Idiniin niya na sapat na ang limang taon at dalawang buwan na pagkakasuspinde sa kanyang lisensya upang matutunan niya ang leksyon na dapat niyang matutunan.
Sinuspinde ng Mataas na Hukuman ang lisensya ni Paguia bilang abogado noon Nobyembre 25, 2003 nang akusahan niya ang mga mahistrado ng pagiging political partisan. (Gemma Amargo-Garcia)