Public Attorneys Desk bubuksan sa Bureau of Immigration
Ilulunsad bukas ng Bureau of Immigration (BI) at Public Attorney’s Office (PAO) ang public attorney’s desk sa tanggapan ng BI sa Intramuros, Maynila upang makapagbigay ng legal assistance sa mga Filipino at dayuhan na mayroong problema sa nasabing kagawaran.
Napagkasunduan ng dalawang ahensiya ng gobyerno na magtalaga ng tatlong public attorneys sa tanggapan ng BI upang magbigay ng legal counsel sa mga Filipino complainants laban sa mga dayuhan na may reklamo dahil sa paglabag sa immigration, alien registration at iba pang paglabag sa batas.
Bukod dito magbibigay din ng legal counsel ang mga abogado ng PAO upang maipakulong ang mga dayuhan na mayroong deportation cases at ang mga wala ring abogado na hindi kayang magbayad.
Pamumunuan ni BI Commissioner Marcelino Libanan at PAO Chief Persida Acosta ang nasabing programa kung saan si DOJ Secretary Raul Gonzalez ang kanilang magiging panauhin.
Sa ilaim ng kasunduan ng BI at PAO, mag bibigay ng serbisyo ang mga abogado sa main office ng kagawaran sa Intramuros Maynila sa loob ng isang linggo.
Bibigyan ding serbisyo ng PAO ang mga dayuhan at Filipino na walang kakayahang magpa-notaryo ng aplikasyon, dokumento at iba pang papeles. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending