Balasa sa Gabinete merong part 2
Inihayag kahapon ng Malacanang ang pangalawang bugso ng pagbalasa sa Gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Sinabi kahapon ni Executive Secretary Eduardo Ermita na itinalaga ng Pangulo bilang bagong hepe ng Land Transportation Office si dating Philippine National Police Chief Arturo Lomibao kapalit ni Alberto Suansing.
Itinalaga naman si Suansing bilang bagong tagapangulo ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board kapalit ni Thompson Lantion na ibinalik sa Department of Transportation and Communication bilang undersecretary.
Inilagay naman si retired Gen. Reynaldo Berroya bilang bagong Mass Railways Transit-line 3 administrator kapalit ni Roberto Lastimoso. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending