Peligro sa BNPP itinanggi

Pinabulaanan kahapon ni Pangasinan Rep. Mark Cojuangco ang ilang ulat na magiging mapanganib kapag binuksan ang Ba­taan Nuclear Power Plant.

Sa pagdinig kahapon ng appropriation committee ng House of Representatives, sinabi ni Cojuang­co na mas malakas pa umano ang radiation na nakukuha mula sa saging kaysa sa plantang nukle­yar na ipinanukala niyang buksan para sa kinaka­ilangang suplay ng kur­yente sa bansa.

Nais ni Cojuangco na paandarin ang BNPP para paghandaan ang ulat ng National Power Corporation na magkakaroon ng krisis sa kuyente sa 2012.

Kinontra ng Freedom for Death Coalition ang BNPP dahil ito anila ay ma­giging simbolo lamang ng paghihi­ rap ng mamama­yan at ka­tiwalian. (Butch Quejada)

Show comments