Habeas corpus petition ibinasura ng Court of Appeals: Alabang Boys kulong pa rin!

Mananatiling nakaku­long sa selda ng Philippine Drug Enforcement Agency ang tatlong sangkot sa bawal na gamot na mas kilala bilang Alabang Boys.

Tinanggihan kahapon ng special 13th division ng Court of Appeals ang petition ng mga suspek na sina Richard Brodett, Jorge Jor­dana Joseph at Joseph Tec­son na humihiling sa hu­ku­man na magpalabas ng writ of habeas corpus para ma­kalabas sila ng kulungan.

Sinabi ng CA na me­rong balido at makata­rungang da­hilan para pa­tuloy na ikulong ang mga suspek.

Sinabi naman ng abo­gado nina Brodett at Tec­son na dudulog sila sa Supreme Court kapag tinang­gihan pa rin ng CA ang ihahain nilang motion for reconsideration.

Sisimulan na rin ng isang panel ng Department of Justice ang pagdinig sa umano’y panunuhol ng Ala­bang Boys sa ilang taga­usig para sila mapalaya.

Ayon kay Department of Justice Secretary Raul Gon­ zalez, naabsuwelto ang pro­­se­cutors sa ale­gasyon na illegal umano ang pagka­kapiit sa Alabang Boys.

Iginiit pa ng Kalhim na nabigyang-katwiran sa de­sisyon ng CA ang kani­lang aksyon sa pagdedek­larang balido ang DOJ Circular 46 na nagre-require sa automatic review sa mga kasong droga na nababa­sura.

Show comments