Habeas corpus petition ibinasura ng Court of Appeals: Alabang Boys kulong pa rin!
Mananatiling nakakulong sa selda ng Philippine Drug Enforcement Agency ang tatlong sangkot sa bawal na gamot na mas kilala bilang Alabang Boys.
Tinanggihan kahapon ng special 13th division ng Court of Appeals ang petition ng mga suspek na sina Richard Brodett, Jorge Jordana Joseph at Joseph Tecson na humihiling sa hukuman na magpalabas ng writ of habeas corpus para makalabas sila ng kulungan.
Sinabi ng CA na merong balido at makatarungang dahilan para patuloy na ikulong ang mga suspek.
Sinabi naman ng abogado nina Brodett at Tecson na dudulog sila sa Supreme Court kapag tinanggihan pa rin ng CA ang ihahain nilang motion for reconsideration.
Sisimulan na rin ng isang panel ng Department of Justice ang pagdinig sa umano’y panunuhol ng Alabang Boys sa ilang tagausig para sila mapalaya.
Ayon kay Department of Justice Secretary Raul Gon zalez, naabsuwelto ang prosecutors sa alegasyon na illegal umano ang pagkakapiit sa Alabang Boys.
Iginiit pa ng Kalhim na nabigyang-katwiran sa desisyon ng CA ang kanilang aksyon sa pagdedeklarang balido ang DOJ Circular 46 na nagre-require sa automatic review sa mga kasong droga na nababasura.
- Latest
- Trending