^

Bansa

Benepisyo ng brgy. officials tiniyak ng NLB pres.

-

Tiniyak kahapon ni Na­tional Liga ng mga Ba­rangay President Rico­judge Janvier “RJ” Echi­verri na patuloy silang ha­hanap ng paraan ng National Executive Board para ma­ ibigay sa lahat ng miyem­bro ng barangayan ang kanilang mga benepisyo na naaayon sa batas.

Ayon kay Echiverri, una na rito ang pagbubuo ng mga kasunduan kasama ang iba’t ibang sangay at ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa ma­ayos na pagpapatupad ng mga nakasaad na bene­pisyo base sa Republic Act 7160 o Local Government Code of 1991.

Aniya, base rin sa batas, nararapat lamang na ang lahat ng mga opis­yal ng barangay ay may­roong insurance coverage, libreng medical care, mga gamot at medical attend­ance sa alinmang hospital at institusyon ng gobyerno.

Nakasaad din dito na exempted ang mga ito, habang nanunungkulan, sa pagbabayad ng anu­mang matrikula at tuition fee ng kanilang mga lehiti­mong anak na pumapasok sa mga state colleges at unibersidad.

Gayunpaman, sinabi ni Echiverri na kahit na bini­bigyan ng mandato ng Lo­cal Government Code ang mga opisyal ng ba­rangay, hindi naman nila natatang­gap ng buo ang mga naka­saad na bene­pisyo dahil na rin sa kaku­la­ngan sa pondo o kaya’y ka­walan ng ma­tibay at ma­linaw na kasun­duan para mag­karoon ito ng kaganapan.

Nauna nang hinimok ng national executive board ang Kongreso para magtakda ng kinakaila­ngang pondo para sa ma­ayos na implementasyon ng mga probisyong ito. (Butch Quejada)

ANIYA

BUTCH QUEJADA

ECHIVERRI

GOVERNMENT CODE

LOCAL GOVERNMENT CODE

NATIONAL EXECUTIVE BOARD

PRESIDENT RICO

REPUBLIC ACT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with