^

Bansa

Magkaisa tayo vs global economic crisis - Dureza

-

Nadismaya ang Pa­lasyo sa mga kritiko ng gobyerno na patuloy na binabalewala ang mga pagkilos ni Pangulong Arroyo upang masawata ang epekto ng krisis na nararanasan ng mundo sa Pilipinas.

Kasabay nito, nana­wagan si Press Secretary Jesus Dureza sa publiko na magkaisa dahil kaila­ngan ng gobyerno ang lahat ng tulong upang ma­lampasan ang krisis.

“We continue to call for unity. Our challenges are beyond politics,” giit ni Dureza.

Ayon kay Dureza, dapat pagdudahan ang mga prayoridad at mo­ tibo ng mga bumabanat sa Pangulong Arroyo dahil nais lang nilang umakit ng atensiyon mula sa media.

Ayon kay Dureza, magpapatuloy si Pangu­long Arroyo sa pagkilos upang matugunan ang mga hamon na kinaka­harap ng bansa sa kasa­lukuyan. (Butch Quejada)

vuukle comment

AYON

BUTCH QUEJADA

DUREZA

KASABAY

NADISMAYA

PANGU

PANGULONG ARROYO

PILIPINAS

PRESS SECRETARY JESUS DUREZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with