^

Bansa

Alabang boys mananatili pa rin sa PDEA - CA

-

Mananatili pa rin sa kulungan ng Philippine Drug Enforcement Agen­cy (PDEA) ang Alabang Boys.

Ayon sa source, ibina­sura ni CA special 13th division Associate Justice Monina Zenarosa ang petition for habeas corpus na inihain ng Alabang boys na sina Richard Brodeth, Jorge Joseph, at Jorge Tecson.

Nakasaad umano sa resolution na hindi muna maaring palabasin ang mga suspek dahil may­roon pang automatic review na nakabinbin sa Department of Justice (DOJ) .

Bukod dito mayroon din umanong legal na basehan upang patuloy na ipiit ang Alabang boys dahil hindi pa rin tapos ang imbestigas­yon na isasagawa ng independent panel na itinatag ng DOJ.

Matatandaan na nag­pa­saklolo sa CA ang abo­gado ng Alabang Boys na si Atty. Felisberto Verano Jr. upang payagan silang makalabas ng kulungan dahil sa walang legal na balakid upang patuloy na ipiit ng PDEA ang kan­yang mga kliyente.

Bukod dito wala rin umanong karapatan ang PDEA na patuloy na ipiit ang mga suspek dahil ibi­nasura na ni State Prosecutor John Resado ang ka­song droga laban sa mga ito.

Ang naging desisyon ni Resado ang siyang ugat ng iringan sa pagitan ng PDEA at DOJ matapos na aku­sahan ng una ang huli na sinuhulan ng P50 milyon upang maibasura ang kaso ng Alabang Boys.

Dahil sa pagtanggi ng PDEA na palabasin sa kulungan ang Alabang Boys kaya gumawa si Atty. Verano ng draft release order na papi­pirmahan kay Secretary Raul Gonzalez upang makalaya ang kan­yang kliyente bago mag-pasko noong nakaraang taon. (Gemma Amargo-Garcia)

ALABANG

ALABANG BOYS

ASSOCIATE JUSTICE MONINA ZENAROSA

BUKOD

DEPARTMENT OF JUSTICE

DRUG ENFORCEMENT AGEN

FELISBERTO VERANO JR.

GEMMA AMARGO-GARCIA

JORGE JOSEPH

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with