Pinayuhan ng Philippine Embassy sa Nairobi, Kenya ang mga manggagawang Pinoy sa Madagascar na huwag munang lalabas ng kanilang tahanan upang hindi madamay sa naga ganap na riot sa Antananarivo, ang capital nito.
Ayon kay charge d’affaires Renato Villapando, wala pa naman umanong Pinoy na iniulat na nadamay sa naturang riot.
Masusi na rin aniya silang nakikipag-ugnayan sa mga Pinoy community sa lugar at nagtalaga na rin ng mga coordinators.
Tinatayang aabot sa may 250 na Pinoy ang nagtatrabaho sa Madagascar.
Nabatid na may 68 katao na ang nasawi sa riot na nagaganap sa Madagascar simula noong Lunes, kung kailan libu-libong anti-government demonstrators ang sumunog sa state broadcasting complex sa Antananarivo, gayundin sa isang oil depot at isang private TV station. (Mer Layson)