^

Bansa

5,000 Pinoys ipina-deport mula Sabah

-

Umabot na sa halos 5,000 Pinoy ang naipa­tapon pabalik dito sa Pili­pinas galing sa Sabah Malaysia.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Marcelino Libanan, naiproseso na ng ahensya ang pagpapabalik sa bansa ng 4,847 na Pinoy na ipina-deport ng Malaysian Government.

Ito ay kaugnay pa rin ng nagpapatuloy na crackdown ng Malaysia laban sa mga illegal foreign workers sa kanilang bansa.

Sinabi ni Libanan na ang mga Task Force Sa­bah na binubuo ng mga grupo ng mga immigration officers ang nag-proseso sa pagbalik sa bansa ng mga Pinoy deportees.

Ayon kay Task Force Sabah head Jose Caran­dang, ang nasabing 4,847 na deportees ay ang mga Pinoy na dumating sa bansa simula noong July 24, 2008, nang mag-umpi­sang buuin ang task force. Hindi pa aniya kasama sa nasabing bilang ang mga nauna nang nakabalik sa Zamboanga.

Binuo ang Task Force para sa mas mabilis na pag-proseso ng re-entry ng mga deportees mula sa Sabah.

Una nang hiniling ni Zamboanga City Mayor Celso Lobregat ang tulong ng BI para maisaayos ang pagdagsa ng mga Pinoy deportees sa kanilang lugar.

Ayon kay Carandang, sa ngayon, sa halip na sa Zamboanga, ipinoproseso na lamang ang dokumento ng mga deportees sa Bongao, Tawi-Tawi.

Dalawang barko aniya na the M/V Danica Joy at M/V Weezam, ang nagla­layag patungo sa Sabah dalawang beses sa isang Linggo para sunduin ang mga deportees at dalhin sa Mindanao. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

GEMMA AMARGO-GARCIA

JOSE CARAN

MALAYSIAN GOVERNMENT

PINOY

SABAH

SABAH MALAYSIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with