Baselines bill aprub na

Inaprubahan na kaha­pon ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang 2009 Baselines bill na nagta­tak­da ng archipelagic base­lines ng Pilipinas.

Ayon kay Senate Minority Leader Aquilino Pimen­tel, wala na siyang nakiki­tang hadlang para sa pinal na pagsasabatas ng base­lines law at ma­ ihahabol ito sa May 21, 2009 na deadline ng United Nations.

Binawi ni Pimentel ang kanyang objection kaugnay sa isyu ng Kalayaan Islands at Scarborogh Shoal na magiging bahagi ng “regime of islands” sa halip na ipaloob sa ‘archipelagic baselines’. Sinabi ni Pimen­ tel na sinuportahan niya ang pinal na bersiyon ng Senate Bill 2699 matapos i-adopt ni Senator Miriam Defensor Santiago, chairman ng foreign relations committee, ang compromise sa mga nabanggit na contested islands at mana­natiling subject ng pagha­habol ng Pilipinas. (Malou Escudero)

Show comments