Nilinaw kahapon ng Malacanang na wala pang inaaprubahang appointment si Pangulong Arroyo para sa appointment nina retired Maj. Gen. Jovito Pal paran upang maging miyembro ng Dangerous Drug Board gayundin si retired Vice-Admiral Tirso Danga bilang director ng National Printing Office.
Ayon kay Executive Sec. Eduardo Ermita, seryoso nilang kinukunsidera ang pananaw ng Catholic Bishops Conference of the Philippines partikular sa umano’y human rights violations ni Palaparan at pagkakasangkot ni Danga sa Hello Garci controversy. Pero ayon kay Ermita, hindi matatawaran ang mga karanasan at kakayahan ng dalawang retiradong heneral sa intelligence at management.
Kailangan anya ang isang tulad ni Gen. Danga sa NPO upang mabantayan ang integridad ng balota at election paraphernalias habang magagamit naman si Gen. Palparan sa pagtukoy sa mga bigtime drug lords at mga sangkot sa narco-politics. (Rudy Andal)