^

Bansa

Na-blacklist na contractor umamin sa P100 milyong project

-

Inamin ng kompanyang E.C. de Luna Construction na naibigay dito ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang P100 milyong road project para sa probinsiya ng Negros.

Ang pag-amin ay ginawa ng may-ari ng nasabing cons­truction company na si Eduardo de Luna sa ginanap na pagdinig ng House committee on public works kahapon.

Gayunman, sinabi nina de Luna at DPWH Under­se­cretary Manuel Bonoan na naibigay dito ang nasabing proyekto bago pa man ipalabas ng World Bank ang mga kompanya at personalidad na kanilang iba-ban dahil sangkot ang mga ito sa katiwalian sa gobyerno.

Ipinaliwanag naman ni Bonoan na inimpormahan na sila ng WB noong 2002 at sinabi na rin ang mga contractors na sangkot sa isinasagawa nilang imbestigasyon ngunit hindi pinadalhan ng kopya ng pinal na desisyon nito kaugnay sa pagba-blacklist sa pitong kompanya.

Magugunita na iniuugnay si First Gentleman Mike Arroyo kay de Luna matapos na magkita umano ang mga ito ng 20-beses na agad din naman itinanggi ng huli at sinabing isang beses lamang ito nakipagkita sa una.

Matatandaan na kasama ang nasabing kompanya sa mga na-blacklist ng WB dahil sangkot umano ito sa kati­walian at pagbibigay ng suhol sa mga opisyal ng gob­yerno. (Butch Quejada)

vuukle comment

BONOAN

BUTCH QUEJADA

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

EDUARDO

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GAYUNMAN

INAMIN

LUNA CONSTRUCTION

MANUEL BONOAN

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with