18 OFWs pa-Lebanon pinigilan ng Bureau of Immigration
Pinigilan ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na makaalis ng bansa ang 18 Filipino workers na karamihan ay mga babae, na makabiyahe patungong Lebanon kung saan may ipinatutupad na total ban sa pagpapadala ng OFWs.
Pasakay na sana ang mga trabahador sa Emirates Airlines flight patu ngong Lebanon nang pigilin ng mga ahente ng BI, ayon kay BI-NAIA Operations Chief Ferdinand Sampol sa kanyang ulat kay Immigration Commissioner Marcelino Libanan.
Nagpapatupad ang pamahalaan ng total ban sa pagpapadala ng manggagawa sa mga bansang may digmaan tulad ng Iraq, Nigeria, Lebanon at Jordan upang hindi sila malagay sa panganib.
Mula noong 2006, ipinatigil ang pagpapadala ng Pinoy workers sa Lebanon matapos uminit ang bakbakan sa pagitan ng Israeli Defense Force at Hezbollah.
Dinala ang mga trabahador sa tanggapan ni Vice President Noli De Castro, na siya ring presidential adviser on OFW affairs at concurrent chairman ng Task Force Against Illegal Recruitment, para maimbestigahan.
Si Libanan ay vice chairman ng task force na nilikha ni Pangulong Arroyo sa bisa ng Executive Order 759. (Butch QuejadaEllen Fernando)
- Latest
- Trending