Bubusisiin ng Land Transportation Office (LTO) ang proseso sa pag bibigay ng student permit na naipagkakaloob ng ahensiya sa mga may edad 17 pataas.
Ayon kay LTO Chief Alberto Suansing sa isang press briefing sa Quezon City, sinabi nitong pinag-aaralan nilang aabutin na lamang ng 6 na buwan ang validity ng student drivers license na ngayon ay may isang taong validity.
Sa kasalukuyan, kapag natapos na ang isang buwan ay maaari nang makakuha ng non professional drivers license ang isang holder ng student permit at mapapaso ang student license nito hanggang isang taon.
Sinabi ni Suansing na dahil ang validity ng student permit ay isang taon, mayroong iba na kapag napaso ito ay kukuha ulit ng student permit pero ginagamit ito para makapagmaneho.
Nilinaw ni Suansing na kapag ang isang tao ay holder ng student permit, ito ay kailangang may kasamang holder non non-professional drivers license o professional drivers license holder.
“Ginagawa namin ito para mapangalagaan ang kapakanan ng mga driver at ang buhay nila gayundin ng mga isasakay nila, yung iba kasing holder ng student permit nagmamaneho na agad, di na kumukuha ng non professional drivers license , kuha na lang ng kuha ng student permit pag -napapaso na ito ng isang taon”, pahayag ni Suansing.
Ang student permit ay nagkakahalaga ng P350.00