^

Bansa

Student driver license, bubusisiin ng LTO

- Ni Angie dela Cruz -

Bubusisiin ng Land Transportation Office (LTO) ang proseso sa pag­ bibigay ng student permit na naipagka­ka­loob ng ahensiya sa mga may edad 17 pataas.

Ayon kay LTO Chief Alberto Suansing sa isang press briefing sa Quezon City, sinabi nitong pinag-aaralan nilang aabutin na lamang ng 6 na buwan ang validity ng student drivers license na nga­yon ay may isang taong validity.

Sa kasalukuyan, kapag natapos na ang isang buwan ay maaari nang makakuha ng non professional drivers license ang isang holder ng student permit at ma­papaso ang student license nito hanggang isang taon.

Sinabi ni Suansing na dahil ang validity ng student permit ay isang taon, mayroong iba na kapag napaso ito ay kukuha ulit ng student per­­mit pero ginagamit ito para makapagmaneho.

Nilinaw ni Suansing na kapag ang isang tao ay holder ng student permit, ito ay kailangang may kasamang holder non non-professional drivers license o professional drivers license holder.

“Ginagawa namin ito para mapangalagaan ang kapakanan ng mga driver at ang buhay nila ga­yundin ng mga isa­sakay nila, yung iba kasing holder ng student permit nagmama­neho na agad, di na ku­mu­kuha ng non professional drivers license , kuha na lang ng kuha ng student permit pag -na­papaso na ito ng isang taon”, pahayag ni Suansing.

Ang student permit ay nagkakahalaga ng P350.00

AYON

BUBUSISIIN

CHIEF ALBERTO SUANSING

ISANG

LAND TRANSPORTATION OFFICE

PERMIT

QUEZON CITY

SHY

STUDENT

SUANSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with