DOLE pasok sa Hanjin

Sisiyasatin ng Department of Labor and Employment ang ak­si­denteng pagkamatay ng Ko­reanong si Choi Dong Baek, 51, supervisor ng Assembly shop C ng Hanjin sa Subic.

Ayon kay Labor Secretary Marianito Roque, na­kakabahala ang mga aksidenteng nagaganap sa loob ng shipbuilding facility kaya dapat itong im­bestigahan.

Lumalabas sa im­bestigasyon na nasawi din dito noong naka­raang linggo si Raldon Del Rosario nang ma­laglagan ng 800-kilo metal door habang leg injury naman ang kay Carnalio Buchie,24. (Gemma Garcia)

Show comments