Miriam nag-walkout

Napraning na naman kahapon sa galit si Sen. Miriam Defensor-Santia­ go at nag-walkout pa ito sa session hall matapos ang kanyang privilege speech kaugnay sa hi­nala nitong tinanggal sa pinamumunuan niyang Senate committee on Economic Affairs ang imbestigasyon sa World Bank scandal kung saan merong na-‘ban’ na tat­long contractor.

Sa privilege speech ni Santiago, sinabi nito na nakatakdang imbes­tigahan ng kanyang komite kung ang tatlong kontraktor na E.C. de Luna Construction; Ca­vite Ideal Construction at CM Pancho Construction na blacklisted na sa WB ay may mga nasu­hulang public officials para makuha ang ma­ra­ming public work pro­jects.

Ayon pa kay Santia­go, nang magbalik ang sesyon nitong Enero, agad niyang ipinag-utos ang pagpapalabas ng imbitasyon at pinag-aralan ang background file.

Pero nito lamang Ene­ro 21, inihain ni Sen. Mar Roxas ang resolus­yon na dapat sana’y ire-refer din sa komite ni San­tiago, subalit nag­hain ng motion for reconsideration si Sen. Kiko Pangilinan na humihiling na ilipat sa public works o kaya ay blue ribbon committee ang imbesti­gasyon.

Sinabi pa ni San­ tiago na wala na siya sa session hall nang hi­lingin ang nasabing paglilipat ng pagdinig sa ibang komite. Daig pa umano ni Santiago ang sinak­sak at nag­karoon ng multiple stab wounds nang i-report sa kanya ng kanyang staff ang pangyayari.

Tumanggi ri Santiago na magpa-interpelate matapos ang speech at sinabi pa nitong sa halip ay magwa-walkout na lamang siya sa session hall.

Pero matapos mag walkout si Santiago, nili­naw ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zu­biri na hindi naman tina­tanggal sa komite ni San­tiago ang imbesti­gas­yon kaugnay sa World Bank scam. (Malou Escudero)

Show comments