Miriam nag-walkout
Napraning na naman kahapon sa galit si Sen. Miriam Defensor-Santia go at nag-walkout pa ito sa session hall matapos ang kanyang privilege speech kaugnay sa hinala nitong tinanggal sa pinamumunuan niyang Senate committee on Economic Affairs ang imbestigasyon sa World Bank scandal kung saan merong na-‘ban’ na tatlong contractor.
Sa privilege speech ni Santiago, sinabi nito na nakatakdang imbestigahan ng kanyang komite kung ang tatlong kontraktor na E.C. de Luna Construction; Cavite Ideal Construction at CM Pancho Construction na blacklisted na sa WB ay may mga nasuhulang public officials para makuha ang maraming public work projects.
Ayon pa kay Santiago, nang magbalik ang sesyon nitong Enero, agad niyang ipinag-utos ang pagpapalabas ng imbitasyon at pinag-aralan ang background file.
Pero nito lamang Enero 21, inihain ni Sen. Mar Roxas ang resolusyon na dapat sana’y ire-refer din sa komite ni Santiago, subalit naghain ng motion for reconsideration si Sen. Kiko Pangilinan na humihiling na ilipat sa public works o kaya ay blue ribbon committee ang imbestigasyon.
Sinabi pa ni San tiago na wala na siya sa session hall nang hilingin ang nasabing paglilipat ng pagdinig sa ibang komite. Daig pa umano ni Santiago ang sinaksak at nagkaroon ng multiple stab wounds nang i-report sa kanya ng kanyang staff ang pangyayari.
Tumanggi ri Santiago na magpa-interpelate matapos ang speech at sinabi pa nitong sa halip ay magwa-walkout na lamang siya sa session hall.
Pero matapos mag walkout si Santiago, nilinaw ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na hindi naman tinatanggal sa komite ni Santiago ang imbestigasyon kaugnay sa World Bank scam. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending