Marcos mansion hinihingi ni Irene
Hiniling ng bunsong anak ni dating pangulong Ferdinand Marcos na si Irene Marcos-Araneta sa Sandiganbayan na maibalik sa kanilang magkakapatid ang kanilang mansion sa Canlubang, Laguna na unang nasekwester ng gobyerno at kasalukuyang nasa pangangalaga ng Department of Tourism.
Sa report ng GMA news, sinabi ni Araneta sa anim na pahinang pleading na isinampa nito noong Enero 22 na dapat ibalik sa kanilang magkakapatid ang nasabing mansion dahil sila ang registered owner nito.
Hindi rin umano naisailalim ang nasabing mansion sa anumang sequestration order ng Presidential Commission on Good Government.
- Latest
- Trending