^

Bansa

Agana sinibak! NPO may bagong director

-

Itinalaga kahapon ng Malacanang bilang ba­gong director ng National Printing Office (NPO) si retired Gen. Tirso Danga.

Sinabi ni Incoming Press Secretary Cerge Remonde, kinumpirma sa kanya ni outgoing Press Secretary Jesus Dureza ang appointment ni Danga bilang kapalit ng sinibak na NPO chief na si Enrique Agana.

Sinibak si Agana dahil sa patong-patong na ale­gasyon ng katiwalian at kapalpakan sa trabaho sa NPO.

Si Danga naman ay dating nanungkulan bilang hepe ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) nang maakusahan itong sangkot sa “Hello Garci” scandal.

Ang NPO ang nag-iimprenta ng mga government forms at mga doku­mentong may kinalaman sa eleksiyon kabilang na ang mga ginagamit na balota.

Samantala, nagbabala si Remonde sa mga opis­yal at kawani ng NPO na dapat ayusin ang kanilang trabaho kung nais nilang manatili sa nasabing tang­gapan.

Tiniyak din ni Remonde na sa kanyang pag-upo bilang Press Secretary sa darating na February 1 ay kanyang lilinisin ang ima­he ng NPO na balot ng mga kontrobersya. (Rudy Andal)

ENRIQUE AGANA

HELLO GARCI

INCOMING PRESS SECRETARY CERGE REMONDE

INTELLIGENCE SERVICE OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

NATIONAL PRINTING OFFICE

PRESS SECRETARY

PRESS SECRETARY JESUS DUREZA

REMONDE

RUDY ANDAL

SI DANGA

TIRSO DANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with