Nawalan ng trabaho di pababayaan - GMA

Siniguro kahapon ng Malacañang na hindi pababayaan ng gobyerno ang mga manggagawa na mawawalan ng trabaho sa Information Techonology (IT) sector matapos mag­sara ang Intel-Philippines gayundin ang pagba­bawas ng empleyado ng Texas Instrument.

Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita na ina­tasan na ni Pangu­long Arroyo ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) at Department of Labor and Employment (DOLE) na tulungang ma­kahanap ng bagong tra­baho ang mga mata­tanggal na manggagawa sa IT sector.

Ayon kay Sec. Ermita, laging pinag-uusapan sa Cabinet meeting ang pag­hahanap ng mga trabaho para sa nasa 60,000 na manggagawa na inaasa­hang mawawalan ng tra­baho ngayong taon dahil sa epekto ng global financial crisis.

Nagpahayag na ang Intel-Philippines ng pagsa­sara ng kanilang planta sa Gen. Trias, Cavite habang natakda namang magba­was din ng kanilang emple­yado ang Texas Instrument na gumagawa ng computer chips. (Rudy Andal)

Show comments