Nawalan ng trabaho di pababayaan - GMA
Siniguro kahapon ng Malacañang na hindi pababayaan ng gobyerno ang mga manggagawa na mawawalan ng trabaho sa Information Techonology (IT) sector matapos magsara ang Intel-Philippines gayundin ang pagbabawas ng empleyado ng Texas Instrument.
Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita na inatasan na ni Pangulong Arroyo ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) at Department of Labor and Employment (DOLE) na tulungang makahanap ng bagong trabaho ang mga matatanggal na manggagawa sa IT sector.
Ayon kay Sec. Ermita, laging pinag-uusapan sa Cabinet meeting ang paghahanap ng mga trabaho para sa nasa 60,000 na manggagawa na inaasahang mawawalan ng trabaho ngayong taon dahil sa epekto ng global financial crisis.
Nagpahayag na ang Intel-Philippines ng pagsasara ng kanilang planta sa Gen. Trias, Cavite habang natakda namang magbawas din ng kanilang empleyado ang Texas Instrument na gumagawa ng computer chips. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending