Kuryente magiging problema sa 2012?

Planong buhayin ng mga kongresista ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) dahil sa pinangangambahang krisis sa kuryente.

Sinabi ni Pangasinan Rep. Mark Cojuangco na matinding problema ang kakaha­rapin ng Pilipinas kung hindi daragdagan ng 3,000 megawatts ang supply ng kuryente pag­sapit ng taong 2012.

Gayunman, may US$1 billion ang kailangan para sa operasyon ng NBPP kaya lang ay magdadag­ dag ng 10 sentimo ang mamamayan kada kilowatt hour at baka umutang pa ang gobyerno para mapa­an­dar ang nasabing planta.

Ayon pa kay Cojuang­co, ang NBPP ay puwe­deng magkaroon ng 640 megawatts mula sa environment-friendly tulad ng uranium, hydrogen at thorium at mas mumura pa aniya ang kuryente kapag nagkataon.

Ipinangako ni Co­juangco na maibabalik sa mga consumer ang ka­rag­dagang 10 centavos kapag nasa operasyon na ang NBPP.

Ang NBPP ay may US$500 million proyekto ni dating Pangulong Fer­dinand Marcos pero uma­bot ang utang na binaya­ran ng pamahalaan ng US$2 billion dahil sa interes na binayaran.

Ayon kay Cojuangco, hindi dapat matakot ang mamamayan sa nuclear plant dahil mas mataas pa ang radiation ng sa­ging kaysa sa nabanggit na planta. (Butch Quejada)

Show comments