^

Bansa

Life sa 3 Rizal Day bombers

- Doris Franche-Borja -

Hinatulan ng habam­ buhay o 40 taong pagkabi­langgo ng Manila Regional Trial Court ang tatlong akusado sa Rizal Day bombing na ikinasawi ng 12 katao noong Disyembre 2000.

Sa 74-pahinang desis­yon na ipinonente ni MRTC Branch 29 Judge Cielito Mindaro-Grulla, napatu­nayan na guilty sa kasong multiple murder, multiple frustrated murder at multiple attempted murder sina Saifulla Yunos alias Mukhlis Yuno, Abdul Fatak Paute at Mamasao Naga kaugnay ng malagim na pagpapa­sabog sa LRT Blumentritt station sa Maynila noong Dis. 30, 2000 na ikinasawi ng 12 katao habang walo pang pasahero ang nasu­gatan kabilang ang apat na menor de edad.

Isa pang aku­sado na si Fathur Roman Alghozi ay napatay sa isang eng­kwentro sa Mindanao.

Inatasan din ang mga akusado na bayaran ang 11 nasawi ng tig-P50,000 para sa civil indemnity, P50,000 sa moral damages at P25,000 sa temperate damages.

Samantala tig-P25,000 bayad naman para sa temperate damages sa mga biktimang malubhang na­sugatan pero nabuhay.

Nabatid na 12 ang na­sawi, pero sa inamyen­dahang impormasyon 11 lamang sa kanila ang pormal na nakapaghain ng reklamo sa mga akusado.

Hindi din umano kuwa­lipikado ang mga akusado para sa parole at pardon dahil sa bigat ng ginawa nilang krimen.

Base sa record ng korte, limang testigo ang nagbigay ng kanilang tes­timonya laban sa mga aku­sado.

Nabatid na mahigit 100 miyembro ng Philippine National Police(PNP) ang nagsilbing security escort ng tatlong akusado sa ginanap na promulgation sa kaso.

Nakatakda namang iapela sa Court of Appeals ni Atty. Felix Marinas, abo­ gado ng mga akusado, ang naging desisyon ng Maba­bang Hukuman.

Base sa chronology of event ng Rizal Day-LRT bombing, ginulantang ang kalakhang Maynila ng sunud-sunod na pagsa­ bog.

Dakong alas-12 ng tanghali noong Dis. 30, 2000 ng pasabugin ang LRT Blu­mentritt station, na sinun­dan ng pagsabog sa Plaza Ferguson tapat ng US Embassy alas-12:05 ng tang­hali, na sinundan ng isa pang pagsabog alas-12:35 ng tanghali sa isang Edsan Bus sa Edsa, Cubao at halos sa mag­kasabay na oras ay isang car bomb ang su­mabog sa parking lot ng NAIA Centennial cargo terminal at isa pang pagsa­bog ma­lapit sa Petron gas station sa Makati.

Ang mga akusado ay magkakasunod na inaresto sa Maynila noong Enero 15, 2002.

vuukle comment

ABDUL FATAK PAUTE

AKUSADO

COURT OF APPEALS

EDSAN BUS

FATHUR ROMAN ALGHOZI

FELIX MARINAS

JUDGE CIELITO MINDARO-GRULLA

MAYNILA

RIZAL DAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with