Verzosa nagpasalamat

Pinasalamatan ni Philippine National Police Chief Director Gen. Jesus A. Ver­zosa ang lahat ng mga mamamayan na nagi­ging kabalikat ng pulisya sa pag­papanatili ng kapa­yapaan at pag-unlad ng bansa kasabay ang pa­nga­kong gagawin ang lahat para magkaroon ng ma­gan­dang pagbabago sa PNP.

Ang pahayag ay gi­nawa ni Verzosa para sa nalalapit na ika-18 aniber­saryo ng PNP sa Enero 26 na may temang “Pamban­sang Pulisya: Kaagapay ng Mamamayan Para sa Kaunlaran at Kapayapaan.”

Nanawagan si Verzosa sa publiko na tumulong sa paglaban sa anumang uri ng kriminalidad. Nangako din ang chief PNP na paiig­tingin ang pagpapatupad ng human rights sa Kapu­lisan kung saan isa dito ang hindi agad pagla­lantad ng suspek sa media.

Bibigyang pansin din ni Verzosa ang pagpapa­tupad ng pagbabago para sa mas mataas na antas ng moral, pisikal at intellectual ng mga pulis. (Butch Quejada)

Show comments