Apat na bagong-bagong mobile patrol cars ang ibinigay ng Muntinlupa City government sa Muntinlupa City Police Station para sa mas epektibong kampanya nito laban sa kriminalidad.
Pinangunahan ni Muntinlupa City Mayor Aldrin San Pedro ang turn-over ceremony ng nasabing mga sasakyan kasama sina Muntinlupa Police chief, P/Senior Supt. Elmer Jamias at iba pang police officials dito.
Sinabi ni San Pedro na sa pamamagitan ng apat na bagong mobile patrol cars ay mapapataas ang police visibility sa lungsod partikular na ang mga matataong lugar tulad ng Alabang.
Aniya, sa ngayon mula 501 crimes ay bumaba ito ng 301 mula July 2007 hanggang May 2008 at sa 301 kaso ay 281 ang naresolba ng pulisya.
Una ng pinarangalan ang Muntinlupa Police bilang best police station; Best SWAT na sakop ng Southern Police District at Best Women and Children Protection Center in Metro Manila. (Rose Tamayo-Tesoro)