^

Bansa

'Zero-waste city' itinutulak ni Echiverri

-

Isinusulong ni Caloo­can City Mayor Enrico “Recom” Echiverri na ma­ging kauna-unahang “Zero-waste City” ang lung­sod sa Kalakhang Maynila bago matapos ang taon sa pamamagitan ng sistematikong pamama­hala at paghihiwalay ng basura.

Ayon kay Echiverri, matapos nitong ipatupad ang no-smoking ban sa mga pampublikong lugar, isusunod naman ng Caloo­can ang lalong pinaigting na solid waste management program at mabisang implementasyon ng Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2001.

Bukod dito, hinikayat din ng alkalde ang mga residente na ihiwalay ang mga panapon, mag-recycle at ugaliing magsa­gawa ng maayos na pagta­tapon ng basura.

Iniutos din niya ang pagsasagawa ng mga “house-to-house informative educational campaign” para ituro sa mga resi­dente ang pagkakaroon ng isang “garbage-free lifestyle.”

Aniya, kinakailangan nang makahanap ng ibang alternatibo at epektibong pamamaraan ng waste management ang siyudad dahil sa nahaharap na pagsasara ng mga dumpsite at sa patuloy na pagtaas ng singil ng mga naghahakot ng basura.

Ayon naman kay Environmental Sanitation Service (ESS) chief Alfonso Sta. Maria, nauna nang inilahad ng alkalde ang mas pinaigting na pangangalaga sa kapaligiran sa katatapos pa lamang na ikalawang Barangay Garbage Summit para sa 188 barangay ng lungsod. (Lordeth Bonilla)

ALFONSO STA

AYON

BARANGAY GARBAGE SUMMIT

CALOO

CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT ACT

ENVIRONMENTAL SANITATION SERVICE

KALAKHANG MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with