Suansing sa LTO pa rin

Si Engr. Alberto Suansing pa rin ang hepe ng Land Transportation Office (LTO).

Sa panayam kay Suansing, sinabi nitong wala naman siyang natatanggap na papel na nagsasabi na umalis siya sa LTO.

Sa katunayan anya galing siya ng Department of Transportation and Communication (DOTC) nitong Miyer­kules ng gabi pero wala namang sinasabi sa kanya si DOTC Secretary Leandro Mendoza hanggang kahapon kung siya ay papalitan.

Anya, report lamang ng media ang balitang siya ay tinanggal sa LTO pero wala naman siyang papel na nata­tanggap.

Gayunman, sinabi ni Suansing na hanggat nani­niwala sa kanyang kredibilidad si Pangulong Arroyo ay patuloy siyang magpapatuloy ng pagseser­bisyo sa taumbayan.

Ang pahayag ay ginawa ni Suansing nang mapaulat na siya ay promoted na bilang DOTC Undersecretary at si LTFRB Chairman Thompson Lantion ay papalitan naman ni ret. Gen. Arturo Lomibao. (Angie dela Cruz)

Show comments