Construction firm umapela
Umapela kahapon ang kompanyang EC De Luna Construction Corporation matapos itong i-ban ng World Bank at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa paggawa ng proyekto sa gobyerno matapos na masangkot umano sa korupsiyon.
Ang kompanyang EC de Luna Construction Corp. ay nakiusap na mabigyan ng pagkakataon ng gobyerno na mabigyan ng due process at malinis ang kanilang pangalan mula sa nasabing alegasyon.
Ayon kay Atty. Roan Libarios, wala umanong solidong ebidensiya ang WB na magdidiin na sila ay sangkot sa korupsiyon.
“the Sanctions Board concluded that INT had not presented evidence sufficient to establish that it was more likely than not that these respondents had engaged in corrupt and fraudulent practices,” saad umano sa desisyon na ipinalabas ng WB.
Ikinatuwiran pa ng nasabing kompanya na agad umano silang nahusgahan na naglalagay sa gobyerno upang manalo sa mga bidding para sa paggawa ng proyekto dito.
Magugunitang noong nakaraang Linggo, inilagay sa blacklist ng WB ang mga Philippine construction firms na E.C. de Luna Construction Corp., Cavite Ideal International Construction and Development, at CM Pancho Corp.
Ayon sa World Bank, dinaya ng pitong kumpanya ang bidding para sa $33-million National Roads Improvement Project (NRIMP) Phase I, sa pamamagitan ng pagbuo ng cartel. (Mer Layson)
- Latest
- Trending