Konsehal Viceo comatose

Bunga umano ng so­brang pagod sa gina­wang medical at dental mission sa kanyang nasasa­ku­pan, inatake at kasalu­kuyang comatose si Manila District 2 Councilor Abelardo Viceo.

Nabatid na noong Sa­bado, dakong alas-9 ng gabi pa umano isinugod sa Capitol Medical Center ang 45-anyos na kon­sehal at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa umano ito nagkakamalay.

Sinabi naman ng mga staff ni Viceo na normal naman ang vital signs nito bagamat unconscious pa.

Sinabi pa ng mga staff nito na labis na napagod ang konsehal makaraan ang medical mission.

Magugunitang noong Pebrero 2008 ay inatake rin ito subalit mabilis na­mang nakarekober. (Ludy Bermudo)

Show comments