Konsehal Viceo comatose
Bunga umano ng sobrang pagod sa ginawang medical at dental mission sa kanyang nasasakupan, inatake at kasalukuyang comatose si Manila District 2 Councilor Abelardo Viceo.
Nabatid na noong Sabado, dakong alas-9 ng gabi pa umano isinugod sa Capitol Medical Center ang 45-anyos na konsehal at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa umano ito nagkakamalay.
Sinabi naman ng mga staff ni Viceo na normal naman ang vital signs nito bagamat unconscious pa.
Sinabi pa ng mga staff nito na labis na napagod ang konsehal makaraan ang medical mission.
Magugunitang noong Pebrero 2008 ay inatake rin ito subalit mabilis namang nakarekober. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending