Cooking fest para sa pato

Upang maputol na ang umano’y kalupitan sa mga pato at gansa, inilunsad ng People for the Ethical Treatment of Animal ang isang paligsahan sa pagluluto sa pagkaing gulay na may katulad na lasa ng naturang mga hayop.

Inilunsad ng PETA ang “Fine Faux Foie Grass Challenge” upang maiwasan ang walang awang pagpatay sa mga pato o bibe at gansa sa pama­magitan ng sapilitang pagpapakain sa mga ito hanggang sa magkaroon ng sakit sa kanilang atay kung saan nadiskubre din na ang ilang mga bibe at gansa ay butas ang mga la­la­munan dahil na rin sa nasusugatan ang mga ito sa kanilang feeding pipe, may sugat sa paa at pakpak at hindi na maka­lakad. Ginagawa umano ito para palakihin ang produksiyon ng mga nasabing hayup.

Ang mananalo ay makakatanggap ng halagang P475,000 o katumbas ng US$10,000.

Sa anumang kaukulang impormasyon, buksan sa internet ang website na PETA.org/FAUX FoieGrasChallenge.

Show comments