Pinasusuri na rin ng Department of Health sa Bureau of Foods and Drugs ang mga peanut butter na gawa dito sa Pilipinas matapos na magkaroon ng salmonella outbreak sa Amerika na isinisi sa ilang produktong may peanut butter sa naturang bansa.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na posibleng ang mga lokal peanut butter umano na may sangkap na imported ay maaring kontaminado din ng salmonella bacteria.
Idinagdag pa ng Kalihim na patuloy pa ring inaalam ng BFAD kung rehistrado ang mga peanut butter products na una ng ni-recall sa U.S.
Nanawagan naman si BFAD Director Leticia Gutierrez sa publiko na huwag munang bumili o kumain ng mga produktong mayroong sangkap na peanut butter.
Sinabi ni Gutierrez na ligtas namang kainin ang lahat ng peanut butter na gawa sa bansa pati na ang mga lokal na produkto na may sangkap nito. (Gemma Amargo Garcia at Rose Tamayo-Tesoro)