PASG director sa Zamboanga sinibak, kakasuhan
Sinibak ni PASG chief Unsecretary Antonio Villar Jr. ang PASG Deputy Director sa Zamboanga Port dahil sa umano’y pagpapalabas ng grounded na container van na nag lalaman ng smuggled plastic toys mula sa yard ng Port of Manila.
Inaresto nina Usec. Villar at PASG director for operations Danilo Mangila si Joseph Gonzales nang magtungo ito sa PASG head office sa Malacañang noong Biyernes ilang oras matapos nitong iutos na palabasin ang container van na naglalaman ng smuggled na laruan mula sa Port of Manila.
“It hurts me. But I must show example of my firm desire to rid my ranks of misfits. He (Gonzales) must suffer the consequences of his misdeed,” wika pa ni Usec. Villar kasabay ang paghahain ng kasong criminal at admi nistratibo laban kay Gonzales na nagpakilalang deputy director ng PASG for Manila Port gayung walang ganung posisyon.
Sinabi ng PASG guard na nagpakilala si Gonzales na deputy director ng PASG for Manila Port nang magtungo ito sa kanilang yarda sa San Marcelino St., Manila noong 12 ng hatinggabi at iniutos na palabasin ang container van na may lamang smuggled na laruan.
Dahil dito, sinibak ni Villar si Gonzales kasabay ang paghahanap ngayon sa kontrabando. Iniha handa na ang kasong criminal at administratibo laban kay Gonzales. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending