^

Bansa

Alabang boys ihaharap sa Court of Appeals

-

Nakatakdang iharap ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong kontrobersyal na “Alabang Boys” sa gaga­ wing pagdinig ng Court of Appeals sa darating na Miyerkules matapos na umapela ang kampo ng mga suspek sa patuloy na pagkakaditine.

Sinabi ni PDEA Director General Dionisio Santiago na tiwala sila na papaboran ng mga mahistrado ng Appelate Court ang desis­yon na patuloy na idetine sina Richard Brodett, Jorge Joseph at Joseph Tecson dahil sa sinunod lamang nila ang proseso.

Tinutukoy ni Santiago ang probisyon ng Department of Justice na kailangan munang dumaan sa automatic review ng kalihim ng DOJ ang kaso sa iligal na droga kung magkakaroon ng dismissal o acquittal bago ito maipatupad.

Iginiit ni Santiago na hindi pa pinal ang resolus­yon na inilabas ng mga prosecutors ng DOJ sa pangunguna ni Chief State Prosecutor Jovencito Zuno dahil sa wala pa itong lagda ni Secretary Raul Gonzalez.

Una nang nagsampa ng petisyon para sa “writ of habeas corpus” ang abogado ng Alabang boys na si Atty. Felisberto Verano dahil sa paniwalang nararapat na napalaya na ang kanyang mga kliyente nang mapa­walang-sala ito ng mga prosecutors.

Isasagawa naman ang unang pagdinig sa naturang petisyon sa darating na Miyerkules kung saan inatasan ng 13th Division ng CA ang PDEA na iharap sa pagdinig ang mga akusado. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALABANG BOYS

APPELATE COURT

CHIEF STATE PROSECUTOR JOVENCITO ZUNO

COURT OF APPEALS

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR GENERAL DIONISIO SANTIAGO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FELISBERTO VERANO

JORGE JOSEPH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with